SingleD and QuarantineD
SingleD and
QuarantineD
UNCERTAIN.
And most
importantly, we need to have FAITH that God's plan is always bigger and better
than ours. Hindi man natin makita sa
ngayon, balang araw magiging klaro din.
By Nancy D. Galang
What do being
SingleD and being QuarantineD have in common?
Uncertainty.
This health
crisis brought about by Covid 19 has kept all of us stuck in our homes for most
of our days. Kung hindi tayo
frontliners, hindi tayo puwede lumabas except kung bibili tayo ng basic
essentials natin.
Hindi natin
alam ga’no ito katagal. Recently,
kaka-extend lang ng another 15 days ang ECQ or Enhanced Community
Quarantine. Meron pa kayang susunod na
extension? No one knows for sure. Lahat tayo ay nakararamdam ng takot, lungkot,
kaba, 'yung feeling of UNCERTAINTY.
When my
husband decided not to come home, matinding lungkot at takot ang naramdaman ko.
Biglang huminto lahat sa paligid ko.
I felt like
I was in a movie, at nag-freeze frame ang shot. Wala akong marinig kundi isang
boses saying: “Ito na yun. Maghihiwalay na talaga kayo."
What will
happen 'pag iniwan n'ya kami ng mga bata? Everything was hazy. Di ko alam
ano'ng susunod na mangyayari.
UNCERTAIN.
Hindi ko
alam ano ang next step ko. Ang una kong
reaction: itago sa mga anak ko ang lahat ng nangyayari.
Just like
any mother, if I could spare them the pain, I would. Baka sakaling maayos pa, I
told myself.
Dumating ang
Pasko. Like the past years, we attended the family reunion. Pero hindi na kami
nag-uusap. Kung mag-usap man, puro masasakit na salita lang. Pero kailangan kong ipakita sa mga anak ko na
everything was normal.
TRYING to ACT normal on Christmas Eve of 2016. |
Three months
pa ang nakalipas bago nila nalaman. Ilang buwan na pagtatago ng gabi-gabing
pag-iyak sa kuwarto ko at sa CR. Ang hirap!
I had to act
normal even if my world was falling apart. Worse, even if I knew MY kids’
future was uncertain. Para sa isang ina,
nakakatakot 'yun. Sobra.
And trying
to ACT NORMAL was another thing.
Tatlong
mundo lang naman ang ginagalawan ko: bahay, office, at classroom.
Act normal.
Be a MOM – strong, cool, problem-solver, always there to listen.
Act normal
sa office. Be PROFESSIONAL. Kahit walang tulog. 'Yung tipong inabutan ka na ng sikat ng araw sa kakapilit sa
sarili mo na makatulog. Nakapikit ka pero ang utak mo gising, ang puso mo
masakit. Tapos kailangan mo nang gumising ng 7am para makapasok.
Kailangan pa
din gawin lahat ng trabaho mo. Bawal magpahalata sa officemates na habang nasa
desk mo, umiiyak ka. 'Yung masakit na lalaluman at dibdib mo sa kakapigil para
di ka humagulgol sa harapan nila.
Act normal
sa classroom tuwing Sabado. Be a TEACHER. Concentrate on your lecture. Once a
week lang kayo magkita ng students mo eh. Kahit pagkatapos mo sabihin ang "See you next week," na ang totoo,
di mo alam kung makakabalik ka pa. Hindi ka sure kung kaya mo pa bumalik sa
Sabado.
ACTING NORMAL in one of my Saturday classes. |
UNCERTAIN.
And just
like now na madami tayong katanungan sa nangyayari sa atin, madami rin akong
tanong noon: Kaya ko bang wala siya? Kaya ko ba mag-isa? Kaya ko ba akayin at
buhayin ang mga anak ko? Ano mangyayari pagkatapos ng lahat ng ito?
Gusto ko
lumaban eh. Gusto ko pa sana ilaban.
Pero iba na
nang marinig ko na hindi na n'ya ako mahal. It killed me. Nadurog ang puso ko. Para ngang pati buong
pagkatao ko, nadurog.
Hindi ko
kagustuhan, pero wala akong nagawa.
Just like this
quarantine, kahit hindi natin kagustuhan ang mga nangyayari sa paligid natin,
kahit ayaw natin manatili lang sa bahay natin, kahit ilang beses pa itong
ma-extend --- wala tayong magagawa kundi tanggapin.
Panandalian
munang nakahinto ang mundo natin at lahat nang nakasanayang gawin araw-araw.
Freeze. Accept what is in front of you. Basta ang alam mo lang, gagawin mo ang
lahat para mag- survive. Cooperate para sa ikabubuti ng lahat.
Matindi ang
tampo ko noon kay Lord. Bakit ako? Mabait naman ako. Masipag. I tried to be the
best wife. I supported his dreams and goals. I believe I was and I am still a
good mother. But at the end of the day, sa Kanya pa rin ako bumabalik. S'ya
lang naman ang available 24/7 para makinig.
I just kept
on repeating, “Lord, I don’t know what to do. Please tell me and I will
obey."
And so in
the midst of the biggest, hardest, and greatest trial in my life – I decided to just cooperate.
I asked
again: Why am I here in this situation? Why is this happening? Ano nga ba ang
purpose ko sa buhay?
Hanggang
ngayon wala pa akong kasagutan sa first two questions. Pero sa pangatlo meron.
Ang sagot: To be a mother to four beautiful and loving children. They NEED me
and they DEPEND on me. That’s why I needed to go on even if I feared the
uncertainty of our future.
Naisip ko,
gawin ko lang 'yung dapat gawin bilang isang mabuting nanay, everything will be
alright. Maybe my being cooperative and obedient to God might bring some sort
of clarity and some form of certainty later.
Our NEW NORMAL. Christmas 2019. |
Singled and
Quarantined. Nothing is CERTAIN.
Sa single
moms, we are usually left with no choice kapag tayo ang iniwan at hindi tayo
handa maging mag-isa. Kahit parang
sasabog ang dibdib mo, we have to accept and face it head on. We just need to
move on and learn to depend on ourselves.
Wala ka nang katuwang sa maski anong bagay.
Sorry, but
that is the harsh and painful truth.
Ikaw na lang, Nancy.
At sa ating
lahat na quarantined, ganun din, di ba? Though we can’t see what’s going to
happen next, kailangan nating sumunod sa
agos, tanggapin ang nangyayari, at maging matatag.
SingleD and QuarantineD with these four cuties. From L to R: Nicolette, Nadja, Me, Rocky and Nastassia |
So hang in
there! This too shall pass. Always remember that after every crisis, we bring
with us valuable realizations and we emerge as better individuals.
In God's
perfect time, everything will be alright.
Until our
next SingleD and QuarantineD week.
Catch you
later!!!
Nancy Mommy
Nancy Mommy
This was a touching and beautiful read, Ms. Nancy! I am a former student and reading this I couldn’t imagine na ganun po pala nararamdaman niyo before...kasi even in class you were still so professional. Hindi po talaga mahahalata na there was something bothering you kasi every class it was “normal”. But now I am happy that you’ve found your strength. It’s true po talaga na women are strong; especially mothers.
ReplyDeleteI will continue to support and read your blogs as it inspires me to write also.
Here’s to all the strong women out there! May we continue to shine and fight for our happiness. ��
Thanks dear Dani! I am more blessed to hear these kind words from you! Take care!
DeleteFrom Uncertainty to Certainty Nancy! You are E.N.O.U.G.H. & V.I.C.T.O.R.I.O.U.S. SALUTE TO SOLO PARENT!
ReplyDeleteThank you Coach Ellen!
Delete