The Wapakels vs. the Dying Breed: A Tribute to my Daddy friends
So it was the first Father's Day without my dad.
Normally, my siblings and I would communicate days before to plan how we will celebrate these family occasions. This time, I knew that we all felt "nangungulila," remembering our dad quietly, sadly, and still wishing he was here so we can hug him and kiss him - and address to him the line "Happy Father's Day."
Somehow, greeting my daddy friends, who I believe are good fathers, made me feel a little better. Parang I see my dad in each of them.
That was how I spent last week's Father's Day. Yes, my dear Nan-sis, this blog may seem to be a little late, pero talagang iniwasan ko ang mag-emote nung araw na 'yun kaya I did not write about my dad.
Naisip ko lang, masayang malaman na maraming tatay ang gaya ng tatay ko sa maraming paraan.
Anu-ano nga ba ang iba't ibang klaseng tatay?
May daddy na istrikto, pero may daddy din na cool lang. Sa istrikto, madaming bawal, kahit pa sakop ka ng henerasyon ng Millenials o Gen Z. Dedma! His rules remain the same. May curfew, bawal ang mini-skirt or micro-shorts, bawal ang makipag-date until you reach a certain age, etc. etc.
Samantalang ang daddy na cool, perhaps okay lang na tumanggap ng mga manliligaw ang anak, basta makilala niya, at puwede niya barkadahin, in short puwede niya ring utuin para sumunod sa kanya at maprotektahan ang anak na babae. Reverse psychology at its finest! Pagdating naman sa anak na boys, tinuturuan pang manligaw and how to win girls, para cool din sila, perhaps like him when he was younger.
And usually, the stricter dads are also the ones who prefer not to show their emotions. Less malambing ang approach, more authoritative and disciplinarian. The cooler ones, mas showy, mas malambing. Ang approach, he can be your bestfriend (again, the reverse psychology approach to know everything about your kid). Mayroon din naman who balance both.
Neil Galang, my youngest brother, Head of Marketing for Vancouver Sign Group Sign and Print Solutions, is dad to Franco, and Xavier and stepdad to Justina and Kobe.
Sa kabilang banda, may mga tatay na WAPAKELS. Ito yung breed na sana di na dumami sa mundo. Di ba, mga Nan-sis? Sino nga ba sila?
Gaya ng workaholic dads, they spend very little time with their families. Late din kasi nakakauwi. No, not from work. But from gala or gimik. In short, yung breed na wapakels sa oras. Usually ang sasabihin, "boys' night out," "for the boys." Pag-uwi, lasheng. Super wasted. So the following morning, late ang gising, may hangover. Kaya ganun pa rin. Wala pa din pakinabang.
Ang tinutukoy kong breed, yung wapakels sa maski anong gawain. Nasa bahay, pero hindi houseband - kundi "housebatugan!" Ayaw mag-chores, ayaw mag-drive, ayaw mag-alaga ng mga bata. Ito yung present lagi, pero parang absent din. Kaya n'yo yun? And yes, all these while mommy works. A very, very bad set-up.
Natural, what follows, mga Nan-sis? Sila ang daddy breed na hindi nagpo-provide, ayaw mag-provide, di kaya mag-provide. Wag kang aasa. Kasi sila ang daddy breed na wapakels sila na dumilat ang mga mata ninyo!
Then there is the proliferating breed na mga babaero daddies.
Opposite sila ng loyal dads. Wapakels na nga sa mararamdaman ni misis, wapakels pa din sa mararamdaman ng mga bata. Ang sad, ano? Selfish breed ito, mga Nan-sis. Ayoko na mag-elaborate. Kaya lang, sana habang sarili lang nila iniisip nila at nagpapakasaya sila, sana isipin nila ang possible consequences ng mga ginagawa nila. Pero teka, selfish nga pala. Hindi niya iisipin 'yun.
Marami pang iba't ibang klaseng tatay. Pero isa sa favorite ko ang protective dads.
Similar sa strict, lalo na sa mga babaeng anak, kasi nga ayaw nilang mapahamak ang mga anak nila or mapunta sa mga breed na walang breeding, hehe. But what I really mean here are the dads who would do everything to keep their children safe. Keep them safe from any harm. Defend them from people na umaapi sa kanila.
Para sa akin, 'yan ang number one role ng daddy. To protect. It's like nature. Daddy animals protect their own and it comes naturally. Sa tao din dapat. Provide their kids with shelter so that they will be protected from all kinds of weather. Feed them so that they will live and be healthy para protektado sila sa mga sakit. Send them to school so they will know how to survive in life. Spend time with them and teach them the life lessons so they can protect themselves when the time comes.
It's all the good things in a dad that I said above.
Kaya, mga Nan-sis, saludo ako sa mga daddies na hardworking para makapag-provide. Wapakels sa pagod.
Saludo ako sa mga dads na housebands. They have the humility to reverse the roles para sa ikabubuti ng pamilya. If the wife was given the better opportunity, why not? Wapakels sa iisipin ng iba.
Saludo ako sa loyal husbands. Wapakels sa pag-prove if he still has the itch, este "it" pala. Pamilya ang unang iniisip.
Sige, saludo na din ako sa mga tatay na kahit pa nagkahiwalay sila ng landas ng partner or asawa niya, never niyang pinabayaan ang mga anak niya. Nagbibigay pa din ng oras at ayuda!
Higit sa lahat, salute ako sa mga singleD parents. SingleD dads. SingleD mommies. May balls. Tinubuan ng balls. Belated Happy Father's Day sa inyong lahat.
Father na may balls with his daughter na tinubuan na ng balls (not literally but ONLY figuratively!) |
I would like to believe WE are NOT a dying breed. Let's pass it on to our children. Mabuhay tayo!
Until then. Catch you later!
Nancy Mommy
Comments
Post a Comment