When You are Not His 'Ayuda One'

When You are Not His 'Ayuda One:' 10 Cliche' Break Up Lines

By Nancy D. Galang, M.A.  

                        

"Some good things fall apart so better things can fall together." - Marilyn Monroe

In the five romantic relationships that I considered "official," dalawa sa ex-BF ko ang nakipag-break sa akin. Dun sa tatlo, ako ang kumalas.

I had different reasons why I broke up with my 3 exes. Yung isa, yung una kong BF, sinagot ko lang for the sake of experiencing having a BF. Alam n'yo na, curious! Kasi lahat ng ka-batch ko at mga kapitbahay ko, may jowa na! Ako na lang ang wala! Kaso, he bored me to death, so goodbye.

(Clue: Sakto lang ang itsura. Mabait pero may pagka-immature. Kapitbahay ko s'ya sa Project 8.) 

Yung isa naman (my 2nd BF), nung nag-HH (holding hands) na kami sa sinehan (so 80's!) wala ako naramdaman na spark kaya't the next day, nakipag-break ako. Bukod pa dun, na turn off ako sa style n'ya na "Tingnan ko nga sino mas malaki kamay sa atin?" Sabay holding hands. Lol.

(Clue: May itsura at matangkad. Na-meet ko s'ya nung nagsulat ako for a national student's paper. He passed away a few years ago... RIP, my friend.) 

Dun sa 4th BF ko (yung bago ako mag-asawa), nakipag-break ako kasi in-love pa ako sa isang ex ko (my BF before him). Na-realize ko lang, nung 3 months na kami nitong isa (4th BF). Kasi noon, landline pa lang at wala pang beeper at cellphones. So kapag hindi ka tinawagan nang matagal, alam mo na, break na kayo. Kaso biglang bumalik. That's when I had a problem.

(Clue: S'ya ang TOTGA, The One That Got Away, ko. Guwapo, moreno, matangkad. So in English, tall, dark, and handsome? Nakatira s'ya malapit sa Greenhills.) 


With my 4th boyfriend.(Lakas maka-80's
ng attire ko ano?) Sweet namin d'yan.
Magka-HH sa ilalim ng lamesa! Yihee!

Pero, mga Nan-sis (Nanay-sisters), I gave them straight to the point, honest-to-goodness reasons. Hindi ako nagpaligoy-ligoy. At alam ko, nasaktan ko sila. Churri po!

But there are people who would rather use cliche' break up lines because wala silang lakas ng loob na sabihin ang totoo.

Maraming iba't ibang linya ang ginagamit (lalo na ng mga boys) para makipag-break up.

Let's see kung ano ang sounds familiar sa inyo, mga Nan-sis.

1. It's not you, it's me.

This is the most effective break up line. Why? Kasi kapag inako na n'ya lahat ng pagkakamali by saying wala kang mali at kasalanan, at puro s'ya lang, s'yempre, wala ka nang masasabi at di ka na makakahirit.

Success! Break na kayo.

Boys! I hope you will learn to
be honest and straight to the
point kapag nakikipag-break kayo.
Cut the BS please.


2. I need space. Nasasakal ako.

Space daw! Eh samantalang nung di ka pa n'ya jowa, gusto niya magsumiksik sa iyo. So when a guy tells you this, it means may iba na s'yang gustong siksikan.

Yang space na yan, chances are, dire-direcho na yan. Hindi ka na babalikan n'yan at di lang 'yan space or cool off stage. Yan na yun.

Break na kayo.

This was the line na ginamit sa akin ng isa sa mga ex ko para makipag-break sa akin. Hindi ko naintindihan back then bakit s'ya biglang nasakal sa akin. Samantalang s'ya ang nasa bahay namin araw-araw.

3. I need to prioritize my studies/work.

Bakit? Sagabal ka ba? Di ba dapat inspirasyon ka n'ya at kadamay sa lahat ng mga ginagawa n'ya as much as possible?

With my fifth and last boyfriend, who once told me that we should postpone our (announced, planned
 and with reservations) wedding kasi gusto n'ya unahin ang showbiz career n'ya at hindi muna ako ang priority. (kumusta naman po ang hairstyle at headband na tumu-turban?)

Kaya kapag sinabi 'yan sa iyo ng jowa mo, ibig sabihin, hindi na ikaw ang priority n'ya. May iba nang gusto gawing priority. Malamang.

Kaya break na kayo.

4. I have issues. Kailangan ko muna ayusin ang sarili ko kasi unfair sa'yo.

Bakit, Kuya? Di p'wede mag-ayos ng issues mo na andyan si Ate? Kaya ka nga may partner, di ba? Para kapag may issues ka, may kasama ka at magtutulungan kayo na ayusin ang mga problema?

Kapag sinabi 'yan sa iyo, ibig sabihin lang, ang issue n'ya, ayaw na n'ya sa iyo. Baka gusto mag-ayos ng issues na iba ang kasama at di ikaw.

So break na kayo.

5. I don't know what I want.

Ay? Bakit di alam ang gusto? Di ba nung nililigawan ka or nagpi-flirt pa lang sa iyo, sabi n'ya, "I like you," "I want to be with you," "Will you be my GF?".

Eh bakit ngayon di alam ang gusto? Mag-isip-isip ka, Nan-sis kapag sinabi 'yan sa iyo.

Ibig sabihin n'yan, "I want to break up with you." So actually, alam n'ya ang gusto n'ya.

6. I need to find myself and do some soul searching.

Ay bakit? Saan napunta ang kaluluwa? Bakit biglang na-lost eh nung nagkakilala naman kayo at naging mag-jowa, may kaluluwa s'ya, di ba?

Tapos nawala ang sarili, kailangan hanapin? O nawala SA sarili kasi may na-meet na iba?

Eto, doing my own soul searching. Hindi naman ako
nakikipag-break sa jowa ko when I feel like I need
to do this.

Kaya kapag binitawan sa iyo ang lines na 'yan, eh sure ako, matatagalan ang paghahanap n'ya ng sarili n'ya at baka tuluyan na ring mawala ang kaluluwa n'ya. So it's not like babalik pa s'ya sa'yo at sasabihing "I'm back, nahanap ko na sarili ko." 

It only means one thing: Break na kayo.

7. Hindi tayo nagkaintindihan. Para sa akin, special friend lang kita.

Hindi ko ito makakalimutan. Kasi ginamit sa akin ang break up line na ito.

Hindi ko ito ma-gets, kaya up to this day, hindi ko tuloy ma-claim na naging jowa ko s'ya. Kasi baka makarating sa kanya, tapos deny to death pa rin kahit ilang dekada na ang nakalipas! Lalabas pa na asumera ako!

Pero ito: may friends bang ginagawa lahat ng ginagawa ng mag-jowa? Gago lang eh. Daming ganyang lalaki kaya careful kayo, mga Nan-sis. After makuha ang gusto sa inyo (at alam na natin kung ano yun), ipe-friend zone ka.

Biglang di ka marunong umintindi? Ay. Na-misinterpret mo ang flirtatious moves n'ya! Kahit ang tawag sa iyo ay dear or darling, friendly terms of endearment lang pala 'yun! Malanding kaibigan lang pala s'ya, mga Nan-sis!


Boyfriend number 3 told me na friends lang pala kami. Sobrang nalungkot ako hearing that kasi ang akala ko talaga kami. Charot lang pala. (Kaso di naman ako nakikpag-charotan, sineryoso ko s'ya...chos!)

8. Sa tingin ko, mas magiging masaya ka sa piling ng iba.

Ano daw? S'ya ang may alam kung saan ka masaya? Napaka-one way, hindi man lang tanungin sa iyo, ano?

Kaya kapag sinabi yan sa iyo, ibig sabihin n'yan ginagamit lang n'ya na excuse ang happiness mo at malamang he is using reverse psychology on you. Sa totoo lang, s'ya ang di na masaya. Ito talaga ang ibig n'yang sabihin, "Hindi na ako masaya." Kaso, walang "B" na sabihin sa iyo ang totoo.

Gusto n'ya, break na kayo.

9. Ang bilis ng mga pangyayari. Hindi ako ready.

Ano daw? Hindi s'ya ready? Eh bakit pumasok sa relasyon in the first place? Selfish lang? Gusto lang mag-experiment tapos kapag nalaman n'ya na di siya ready, ok lang na saktan ang jowa?

Kapag sinabi 'yan sa inyo, bilisan n'yo na ang takbo n'yo, mga Nan-sis! Kung di s'ya ready, ikaw ready ka! Ready ka na kalimutan s'ya at walang s'yang kuwenta!

10. This is for the best.

World peace ang peg, mga Nan-sis? Para daw sa ikabubuti ng lahat kaya break na kayo. Kailan pa naging da best ang makipag-break sa iyo?

Kaya 'wag ka maniniwala na for the best kuno ang any break up. Kahit saan mo tingnan, masakit ang makaranas n'yan.

Kaya lang, mga Nan-sis, when someone says these lines to you, talagang it is for the best. Kasi kung talagang mahal ka, hindi n'ya bibitiwan ang mga linyang 'yan para iwanan ka.

So sa mga nakarinig na ng lines na 'yan, congratulations! You are where you are supposed to be or with whom you are supposed to be with right now.

At sa mga Nan-sis ko na maririnig pa lang ang mga ito, you should know better!

Tandaan ang sinabi ni Marilyn Monroe mga Nan-sis.(see quote above). Tandaan din ang sinabi ko na kapag nakipa-break sa'yo, let it be. You are being led to your 'Ayuda One'. Isa pa, kahit singleD ka, fabulous ka pa rin!

Huwag ipagpilitan ang sarili kung para sa kanya ay hindi naman pala ikaw ang "Ayuda One" n'ya! Alam n'yo bihira ang nakikipag-break sa kagaya nating fabulous girls ang hindi nagsisi sa bandang huli. Or kung hindi man nagsisi, ay laging mayroong "what ifs" sa kanyang isipan.

Kaya ang take away? Let him go. Let it be. Your "Ayuda One" will come at the right time. At ang mga break-up lines na 'yan ay sinambit sa iyo para mapadpad ka sa "Ayuda One" mo.

Until then. Catch you later!

Nancy Mommy

Comments

  1. Yay! Para ako biglang nag HS throwback. HAHAHA! E sana nuon pang HS ako nalaman ko na lahat yan! Buti na lang sa TAMA ako tuMAMA! HAHAHA! I was seriously was smiling while reading your blog. Memories nga e! Haha! Opo naka-relate talaga. 🤭😂😛

    Yun bang after you broke-up dun sa “ayuda-one” mo sana e “you want to get a hammer and pukpok your head” 😣 Ay mali nga! 😖 Wala lang....para magising ka lang ba! Then you talked to yourself and say DON’T DO IT AGAIN HA!?!?! HAHAHA!

    AYLAVET as always! Next please.....🙃

    ReplyDelete
    Replies
    1. I follow mo naman ang blog ko dito Kawsin. Para maging dalawa na! Haha! 🤣

      Delete
  2. Nakakaaliw Nancy...there is humor but mas may dating yung "truth" sa humor. Thankful lang na I didn't get to hear any of those lines...hahaha. Ang linya ki sa pakikipag-break, pangsulsihan ang peg! Ganern!😉

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

"Finding my Purpose: Woman, Warrior, Writer"

2023: Lessons on Faith, Hope, and Love

Becoming "SingleD"