Posts

Showing posts from May, 2023

Anong Klaseng Ina Ka?!!?

Image
By Nancy David Galang, MA "Successful mothers are not the ones that have never struggled, they are the ones that never give up, despite the struggles."  - Sharon Jaynes Marami sa inyong mga Nan-sis ko ay nanay din (kaya nga Nanay Sisters, 'di ba?) Pero iba't-iba ang sitwasyon natin at iba-iba ang ating istilo. Ano nga ba ang  iba't-ibang klaseng sitwasyon na kinalalagyan ng mga nanay?  The G Skwad: These kids made me a mom... and that little one in front? Made me a grandmom! Mayroong nanay na masaya lang kasi sila ay happily married. Yung akmang-akma sa kanya ang "Happy wife, happy life" na tagline. Kung ikaw 'yan, aba'y mapalad ka! Sana all!!! At dahil diyan, cool lang ang style mo. Mas-magaan malamang para sa'yo na gampanan ang mga responsibilidad mo bilang nanay sa mga anak mo. Pati sa iyong trabaho (kung ikaw ay career woman) ay very good ka.  At sa household mo (kung ikaw ay isang full time housewife and well provided for - may  pangkabu