A Letter to Mom
Dear Ma, Today, I just planned on having a peaceful, quiet day. Pero biglang naging dramatic ang araw ko, umaga pa lang - dahil nag-sink in sa akin na wala ka na pala talaga. Siguro tinatawanan mo lang ako from heaven, saying "Si Honey Baby, nagda-drama na naman!". Pero Ma, miss na miss kita. Although before you passed, matagal ka nang hindi nakakalakad, nanghihina, nagrereklamo sa mga iniinda mong sakit ng katawan, deep inside, I was hopeful I would still have more time with you. Ang tibay-tibay mo kasi - literally and figuratively. Ang dami mong pinagdaanan sa aming mga anak mo and in your own marriage. But you held us all together despite and inspite. Paano mo nagawa ang lahat ng 'yun, Ma? I didn't realize, sa'yo pala ako humuhugot ng lakas. Kung ano man ang meron akong lakas para manatiling nakatayo sa kabila ng mga pinagdadaanan ko, it was because of you and dad. Lalo na sa'yo, dahil nakita ko what a strong woman you really were. Ngayong wala ka ...