Anong Klaseng Ina Ka?!!?

By Nancy David Galang, MA


"Successful mothers are not the ones that have never struggled, they are the ones that never give up, despite the struggles." - Sharon Jaynes

Marami sa inyong mga Nan-sis ko ay nanay din (kaya nga Nanay Sisters, 'di ba?) Pero iba't-iba ang sitwasyon natin at iba-iba ang ating istilo. Ano nga ba ang iba't-ibang klaseng sitwasyon na kinalalagyan ng mga nanay? 

The G Skwad: These kids made me a mom...
and that little one in front? Made me a grandmom!

Mayroong nanay na masaya lang kasi sila ay happily married. Yung akmang-akma sa kanya ang "Happy wife, happy life" na tagline. Kung ikaw 'yan, aba'y mapalad ka! Sana all!!! At dahil diyan, cool lang ang style mo. Mas-magaan malamang para sa'yo na gampanan ang mga responsibilidad mo bilang nanay sa mga anak mo. Pati sa iyong trabaho (kung ikaw ay career woman) ay very good ka.  At sa household mo (kung ikaw ay isang full time housewife and well provided for - may pangkabuhayan showcase na, may pang-shopping pa!), you do all the chores with joy. Bakit kamo? Wala kang stress sa asawa mo. Hindi ka problematic sa finances. You have this supportive and understanding husband - a real partner na katuwang sa lahat ng bagay, which makes you a good mom. 

Single Mom Number 1:(widowed, working mom)
My sis-in-law Jade, bilib ako sa sipag at tiyaga,
tatahakin ang malayong byahe araw-araw para
pumasok sa trabaho. Gagawin lahat ng paraan
para maibigay ang mga pangangailangan
ng kanyang mga anak.

And speaking of career, may nanay na workaholic type, kasi siya ang breadwinner. Puwedeng siya ay isang OFW na malayo sa kanyang mga anak pero kailangan niya itong tiisin para makapag- provide at mapaaral ang mga bata. Or she may simply be an empoyee here in the country, pero since she reports for work everyday, she misses certain milestones of her baby dahil wala siyang choice but to be at work. Puwedeng she is in that managerial position, and as glamorous as it may sound, pareho lamang silang nag-sa-sacrifice ng oras na sana kasama na lang niya ang kanyang mga anak. At higit na mas-malaki ang sakripisyo ng isang nanay na staff or rank and file position, nagko-commute araw-araw, kasi mas-pagod sila. Call her a martyr, for waking up early para makipagsapalaran sa pila na LRT o MRT, then pagdating niya sa work, wala na ang freshness niya! Di pa man nagsisimula sa trabaho, pagoda na siya!  At lalo naman sa hapon o sa gabi pag-uwi niya. Rush hour. Rushing home to cook, if not para abutan na gising ang mga anak niya. Minsan inaantay pa talaga siya ng kanyang mga anak, kasi magpapaturo pa sila sa homework. Martir ba kamo? Yes na yes! Kasi hindi naman niya ito ginagawa para lang sa sarili niya.



Single Mom Number 2: (educator, at maraming
pang iba!) My good friend and colleague, Lynda, isang
empowered, maparaan, at maabilidad na ina. 
Kasama ko sa maraming proyekto (raket!) so we
can earn that extra income for our family.

At napag-uusapan na rin lang natin ang martir, mayroon din namang mga nanay na talagang "martir" because they choose to prioritize their kids' happiness even if they are unhappily married. Madalas, malalim ang iniisip kasi may dinadalang bagahe. Bakit kamo? Walang araw na hindi siya problemado sa asawa niya. Deep inside, they are lonely and suffering, pero keri lang, alang-alang sa future ng kanyang mga anak. 

Saludo ako sa inyo. Kasi despite and inspite ng mga pagdurusa ninyo sa asawa ninyo, stay "foot" (put) pa din ang beauty ninyo! You have your reasons. The same way I had mine nung pinaglaban ko ang 21 years of marriage ko. Like most of you, I am sure that even if marami nang dahilan para kumalas kayo, you decided to stay and choose to make it work kasi gusto ninyong bigyan ng "buong pamilya" ang mga anak ninyo. Another reason is probably that your husband is the breadwinner or sole provider and that you are a full time housewife, such that you don't see yourself surviving without your husband, kahit ayaw mo na. Siyempre, iniisip mo din paano ang mga anak ninyo kung umalis ka.

The worst case of being an unhappy wife is the one who stays even if: one, her husband has been repeatedly unfaithful. Two, she is battered - emotionally, psychologically, physically, and even economically. Again, you have your reasons and I am not about to preach and give unsolicited advice on how you can get out and be happier. You choose na pasanin ang daigdig, at alam ko na laging may mabigat na dahilan ang bawat desisyon.

May nanay naman na palaban at empowered. Hindi paaapi. Yung kapag hindi na happy, ay gagawa ng paraan to change her situation. This does not always mean leaving the relationship, but perhaps starting with verbalizing her feelings and not tolerating her husband's wrongdoings. Para sa kanya, hindi maganda na makalakihan ng mga anak niya ang ganoong sitwasyon, so she has to do something. And she can take this further if nothing happens. And if and when this happens, she adds to the 14-15M solo parents in the Philippines.

\
Single mom number 3: (Executive Director, Alagang
Kapatid Foundation-TV5)
Menchie, my co-student
leader, former boss and goodfriend. Isa sa strongest,
masipag at selfless na tao at ina. As Executive Director
of  an NGO, she responds not only to the needs of her
children, but to that of communities needing assistance.

She leaves her marriage, but tolerates the pain of either being away from her kids or - if she is lucky to take them, she carries their pain of "losing" their father. But this is better than staying because she chose to protect and save herself so she can be a better mom. 

Mayroon din namang single moms, sa mula't sapul. Sila yung mga nanay na iniwan ng jowa nung nalaman na buntis sila at hindi pinanindigan ng walang-hiyang ama ang anak niya. Or sige -  to be fair nang kaunti sa walang hiyang lalaki, they tried na magsama or to make it work pero it just didn't;  not meant to be or pareho silang hindi ready sa pinasok nila.

Bilib din ako sa inyo, kasi you continued to do it alone kahit mahirap. Kahit emotionally, you are broken. Hindi ka pa nga naka-move on sa failed relationship mo, heto at may maliit na nilalang na kukunin lahat ng lakas mo. Bakit kamo? Kasi ang nilalang na 'yan ay sa iyo lang naka-depende. Eto na naman ako, pero hindi talaga puwede na wala na nga'ng tatay, mawawala (o magwawala?) pa ang ina! 

Single Mom Number 4: 
My daughter, Nastassia, a single mom
and a full-time mom. Left with no choice
but to raise my apo, Amara, on her own. I see
her evolving into a strong, selfless mom.

In the middle is the wife na OK lang. Kumbaga sa coke, sakto. Hindi too happy, hindi din naman unhappy. Kontento? Perhaps this is the right term. Hindi close to perfect ang asawa pero tolerable naman. Hindi ganoon ka successful sa career at sakto lang ang na po-provide, maaaring minsan ay kulang pa nga, pero napagtutulungan naman. Ika nga, mas-madami pa din ang blessings, kesa sa "lack of". BUT things can be better, ika nga.

Marami pang nga nanay na nasa iba pang sitwasyon, na iba-iba din ang kwento, pero this can go on, and on, and on. Nanay na maparaan, maabilidad, superwoman, wonderwoman, matiyaga, masipag, mahaba ang pasensiya, selfless, kahit pa nasasaktan, pagod, nagdurusa at kung minsan maysakit na --- ay di pa rin niya iniinda..etc etc etc!!!

The only married mom I included in this entry:
Jopie, "ang babaeng walang pahinga", isa
sa pinakamasipag na ina na nakilala ko. 
Businesswoman, na halos walang tulog
matapos lang ang trabaho niya. Hindi ko kaya
tapatan ang kanyang sipag, kasi ni walang
panahon sumama sa akin para mag-kape!

You may even be in the middle of unthinkable, unfathomable stories which none of us can ever imagine, pero anuman ang sitwasyon natin, we choose to wake up everyday and fight dahil at para sa mga anak natin. Yes, para sa kanila. 

Kaya sana isipin ng mga anak natin ang lahat ng sakripisyo natin bilang ina nila, bago sila gumastos sa mga bagay na hindi kailangan, bago sila magreklamo sa kinalalagyan nila (na pinaghihirapan natin), bago sila magbitiw ng mga salita na makakadurog sa ating puso, at bago sila gumawa ng bagay at problema na makakasakit sa ating kalooban. Ang hangad lang ng bawat nanay ay makitang masaya ang kaniyang anak. Kapag malungkot sila, doble, kundi triple, ang lungkot na nararamdaman ng isang ina. Kapag nasasaktan ang anak, o di kaya'y may nanakit sa anak, talagang parang kaya ng nanay na pumatay ng tao. 

Kaya't sa mga nanay na kagaya ko - who may not have it easy - fight lang! You are definitely doing something right and you will see that when your kids turn out to be successful, good persons, and with big hearts - who are God-fearing and will one day become very responsible and loving parents too.

My mommy Anita: (now widowed like me) 
Iniluwal ang siyam na anak, pinalaki nang
maayos, at inarugang mabuti. Up to this day,
I don't know how she did it, but I am sure it
was a feat I can never imagine myself achieving.

So huli man ang greeting ko - Happy Mother's Day sa inyo mga Nan-sis! Every single day should be our day! Be happy as you traverse your journey, run your race, and fight your battles!

Catch you later! 

Nancy Mommy







Comments

Popular posts from this blog

"Finding my Purpose: Woman, Warrior, Writer"

2023: Lessons on Faith, Hope, and Love

Becoming "SingleD"