Nancy's Playlist: 10 OPM Songs I Would Most Likely Dedicate to My Exes

     By Nancy D. Galang, M.A. 


WARNING:  Ito ang pinaka-cheesy at pinaka-corny na naisulat kong blog so far. Pero dahil gusto ko lang ng kaunting katuwaan at listening pleasure for you, my readers, pagtsagaan n'yo na po.  After all, matindi naman ang pinagdaanan natin last week na bagyo at baha. So, baka naman, just for a moment, ma-appreciate ninyo ang OPM (Original Pilipino Music) and what these songs can also mean to you. 


So I decided to come up with the Top 10 songs that I would most likely dedicate to my exes. Ito yung mga kanta na tipong everytime na maririnig mo, may kurot sa puso, o di kaya'y maiiyak ka, kasi relate ka. Sounds too sentimental mga Nan-sis (Nanay sisters)? Pero alam ko naman na ginagawa n'yo rin ang mag-emote habang nakikinig sa music. So don't deny. Just enjoy! 


Ito na po. For starters, the first 4 songs are definitely dedicated to my ex-husband. 


Top 1:  Anong Nangyari Sa Ating Dalawa by Aiza Seguerra

https://www.youtube.com/watch?v=ER5pRl2A3YE


Lyrics:


Anong nangyari sa ating dalawa?

Akala ko noon, tayo ay iisa?

Ako ba ang siyang nagkulang o ikaw ang di lumaban

Sa pagsubok sa ating pagmamahalan?

Anong nangyari sa ating dalawa?

Pagmamahal ngayo'y bakit naglaho na?

Damdamin ay nasasaktan, puso'y nasusugatan

Pangako mong pagmamahal, ngayon ay nasaan?


When you're as young as sixteen and you fall in  love with that one person, stayed as his best friend for 5 years, his girlfriend for almost four years, and was married to him for 22 years, pagkatapos ay nagkahiwalay pa kayo, hindi mo maiwasan na magtanong ng: "Huwatttttt? Nagkahiwalay pa tayo? Anyare???". 


Kaya relate ako sa song na ito and dedicated ito sa ex-husband ko. If you will read the words in the refrain, mayroong pagtataka, confusion and partly, hindi matanggap na nangyari ang paghihiwalayan. After all, when you reach more than twenty years sa marriage at madami na kayong pinagdaanan, akala mo hindi n'yo na maiisipan pa na gawing option ang maghiwalay ng landas.  


Yes, again, naroon yung di ka makapaniwala. "Is this happening to me? Is this happening to us?". 


But when one decides to leave, I guess 'yun na 'yun. Wala ka na magagawa at ayaw nang ayusin. Kaya ito po ako ngayon, naiwan na SingleD. 


Top 2: Di Lang Ikaw by Juris

https://youtu.be/qkxjgUO3kGg


Lyrics:


Pansin mo ba ang pagbabago

Di matitigan ang iyong mga mata

Tila di na nananabik

Sa 'yong yakap at halik

Sana'y malaman mo, hindi sinasadya

Kung ang nais ko ay maging malaya

Di lang ikaw

Di lang ikaw ang nahihirapan

Damdamin ko rin ay naguguluhan

Di Lang Ikaw

Di Lang Ikaw ang nababahala

Bulong ng isip

Huwag kang pakawalan

Ngunit puso ko

Ay kailangan kang iwan.


This was my song for him during the "falling out of love" stage ko. Kahit ang pakiramdam ko wala nang feelings, tinuloy ko pa rin kasi ang tagal na  naming magkasama at mag-asawa and above all, may apat na anak. Super hirap ang kalooban ko nung mga panahong 'yun. Pero tiis. Kaso ang ending, nagkahiwalay pa din. So here I am. SingleD.


Top 3: Tuyo Na'ng Damdamin by APO Hiking Society

https://youtu.be/E7t8lSADKag


Lyrics:


Minsan kahit na pilitin mong

Uminit ang damdamin

Di s'ya susunod

At di maglalambing

Minsan di mo na mapigil

Mapansin na wala na talagang

Naiiwan na pagmamahal

At kahit na anong gawin

Di mo na mapilit at madaya

Aminin na sarili mo

Na wala ka nang mabubuga

Parang 'sang kandila 

Na nagdadala ng ilaw at liwanag

Nauubos rin sa magdamag


Nawawala ang feelings. At kahit sa mag-asawa, nangyayari din yan. Kaya nga ang sabi nila, love is a decision. Such a tall order. Mahirap. 


For me, when I reached this point in our marriage, lalo na yung line na "Aminin sa sarili mo, na wala ka nang mabubuga", gaya nga nang nasabi ko, what I did was I still tried to make it work. Kasi I had a commitment to honor, not only to my husband, but to our family. Pero naubos ako kasi mag-isa na lang ako na nag ta-try. Dumating sa point na sarili ko na ang kalaban ko kasi kahit wala na akong ibubuga, I would not admit it to myself. And I refused to give up. Kaso tao lang, napagod din. Kaya heto, tuyo ang damdamin (bato na?) pagod at SingleD ako. 


Top 4: Paubaya by Moira dela Torre 

https://youtu.be/DmVjmzOmUO4


Lyrics:


Saan nagkulang ang aking pagmamahal

Lahat ay binigay nang mapangiti ka lang

Ba't di ko nakita na ayaw mo na

Ako ang kasama, pero hanap mo s'ya

At kung masaya ka sa piling niya

Hindi ko na pipilit pa

Ang tanging hiling ko lang sa kanya

Huwag ka niyang paluhain

At alagaan ka n'ya

Ba't di ko naisip na merong hanggan

Ako yung una, pero siya ang wakas


This is Moira's latest song.  It's (soooooooo) beautiful mga Nan-sis, so please listen to it.  Relate much ako sa linyang "Saan nagkulang ang aking pagmamahal, lahat binigay nang mapangiti ka lang."  


May forever pala. Forever na tanong na parang never kong masasagot! Hindi ko alam kung saan ako nagkulang kasi sobrang trying hard ako na ayusin lahat ng mga problema namin.

 

Next, relate din ako sa line na "At kung masaya ka sa piling n'ya, hindi ko na pipilit pa." 


May iba na pala. This broke the camel's back. This was my last straw. Hindi ko nalaman agad. But the moment I found out, that was it. Wala akong lakas ng loob na ipagsiksikan ang sarili ko. 


Aba, tama na! Sa'yo na girl at good luck! Paubaya ko na to you at sana alagaan mo siyang mabuti.


                                                        "Unang Halik" for ex-boyfriend number 3. 
    

Okay mga Nan-sis, masyado nang nagiging intense! Kaya breaker muna. 


The next song is dedicated to ex-boyfriend number 3. Pero bago iyan, if you need more back story about my Exes, you may read:


https://nancydavidgalang.blogspot.com/2020/10/when-you-are-not-his-ayuda-one.html?m=1


Top 5:  Unang Halik by Kristina Paner/Cover by Juris

https://youtu.be/rtOlJOUZXFU


Lyrics:


Isang saglit lang ubod tagal

Unang halik ng 'yong mahal

Isang saglit lang nang matikman

Isang saglit lang

Parang walang hanggan

'Yan ang iyong unang halik

Kailan ba 'yon

Kay tagal na

Ngunit tamis

Naroon pa

Tuwing ang mata'y mapipikit

Bakit tamis, kusang nagbabalik

Kukupas pa ngunit hindi

Ang alaala mo ng una mong halik.

  

O ha! Lakas maka-high school!  Ang tindi mga Nan-sis! Yes si ex- BF number 3 ang una kong halik (the G Skwad will be saying "Ewwwww mommy!" when they read this part). 


Ano mga Nan-sis, di ba totoo naman na unforgettable ang first kiss natin? I guess maski sa mga boys? O mali ba ako? Anyway, baduy man ang kantang ito para sa karamihan, ako I love the innocence that comes with its words and the melody, ang ganda!


Okay, tama na ang usapang halik at baka mapunta tayo sa Aegis ("ang halik mo,  nami-miss ko!") Move on na tayo sa top 6. 


This is a well-liked song. Maybe because marami ang nakaka-relate. This is dedicated to someone I dated briefly pero malakas ang impact. Parang

Ulysses!


Top 6: Bakit Ngayon ka Lang  by Ogie Alcasid

https://youtu.be/GPl6zdnNpI0


Lyrics:


Bakit ngayon ka lang

Bakit ngayon kung kailan ang aking puso'y

Meron nang laman

Sana'y nalaman ko na darating ka sa buhay ko

Di sana'y naghintay ako

Ikaw sana ang aking yakap-yakap

Ang iyong kamay lagi ang aking hawak 

At hindi kanya

Bakit ngayon ka lang

Dumating sa buhay ko

Pilit binubuksan ang sarado ko nang puso


Mga Nan-sis, alam n'yo naman ang meaning ng song na ito di ba? I do not need to go into details. Ito lang: I really, really liked him, in fact I think na in love nga yata ako,  but we had to part ways for "righteous" reasons. 


                                              "Bakit Ngayon ka Lang" , song for mystery ex. 

Kaya mga Nan-sis, iwasan ang mga ka-date na kakantahan kayo ng "Bakit Ngayon Ka Lang". Hindi 'yan puwedeng maging "Ayuda One" n'yo kasi "Ayuda One" na s'ya ng iba! Remember, hindi s'ya singleD.


Okay, bago pa mapunta kung saan, puwede na ba maging serious ulit? Kahit kaunti lang.


The next batch are songs dedicated to my TOTGA, meaning, The One That Got Away. 


I bet mga Nan-sis, halos lahat tayo, may TOTGA. Ito yung ex na tuwing sasagi sa isip mo, ang ang masasabi mo lang  "sayang". 


Top 7:  Muntik na Kitang Minahal by The Company

https://youtu.be/xrpNbznY01c


Lyrics:


Di ko noon nakayang ipadama sa'yo

Ang nararamdaman ng pusong ito

At hanggang ngayon, ay naalala pa

Muntik na kitang minahal.

Ngayon ay aaminin ko na

Na sana nga ay tayong dalawa

Bawat tanong mo'y iniwasan ko

Akala ang pag-ibig mo'y di totoo

Di ko alam kung anong nangyari

Damdamin ko sayo'y di ko nasabi

Hanggang sa puso mo'y napagod

Sa paghihintay kay tagal

Saka ko lang naisip

Muntik na kitang minahal.


During the very brief period na magkasama kami, I was just so present in our moments at nag-enjoy lang ako. Pero at that time, for some reason, I could not tell him how I really felt. Then when he was gone, na-realize ko how much I loved and missed him.  Naks! 


To my TOTGA: Wherever you are, wouldn't it be
nice to say good night to the one you hold so close
to your heart? (char!)

Kaya't mga Nan-sis, every chance you get, sabihin n'yo ang nararamdaman ninyo. Before it's too late. Before he's gone (asus!) 


Sabi ko sa inyo corny itong blog na ito eh! Kaya n'yo pa ba? Pero dahil umabot kayo sa Top 7, that means kaya pa at gusto n'yo rin ang kakornihan! Cheesy din kayo? 


Top 8: Wherever You Are by South Border

https://youtu.be/tVSgya4gt1g


Lyrics:


I love to see the ocean's beauty

and the moon that shines above

Alone in the sand looking at the stars

Wishing someday I will find true love

Would it be nice to see the morning

With the one you love the most

Would it be nice to say good night

To the one you hold so close

To your heart, to your heart

The wind that blows the dove

is the wind that blows my love

Hope it'll find its way to you

Wherever you are


Yes another one for my TOTGA. You just have moments when you think of him and wish magkasama kayo at magkayakap sa dilim (ay napunta bigla sa APO Hiking Society!). Tapos you can just close your eyes and...dream on girl!


Seriously, when these moments come to me, which I think are pretty normal and which happens to everybody (mostly to the singleD ones), I just sigh and say "Di bale, masaya na s'ya sa piling ng mahal niya." (kunyari sport tayo mga Nan-sis at hindi bitter)


Top 9: In Another Lifetime by Gary Valenciano

https://youtu.be/CTdbouIAOmw


Lyrics:


I can hold on for a hundred years

When all else is gone, I would still be here

In a memory of things yet unseen

I'd remember all that we've never been

And I cannot wait to see, what life has in store for me

In another lifetime, it would be forever

In another world where you and I will be together

In another set of chances, I'd take the ones I've missed and make you mine

If only for a time, my life would matter in another life


Hold on for a hundred years talaga ang peg! That would mean lola at lolo na kami. 


Hay...parang ang taas ng level ng regrets ah! Bakit ko nga ba s'ya pinakawalan? Ano kaya ang naging buhay ko with him? Siguro masaya ako kung s'ya ang kasama ko. Siguro ganito ganyan. 


Pero mga Nan-sis, reality check, usually kapag magkasama na kayo, doon mo lang talaga makikita ang totoo. So iba ang imahinasyon sa realidad.  Iba ang "false" hope sa kung may pag-asa pa ba talaga na maging kayo. Kaya ititigil ko na ang kahibangang ito! Haha. 


In another set of chances, I'd take the ones I've missed and make you mine. 
      

Top 10: When I Hear You Call

https://youtu.be/gSdPcscMB6E


Lyrics:


When you run, don't tire

Keep on reaching higher

Even when the pain and trouble

Bring you down sometimes

I will see you through

I'm forever right here with you

Even if when you feel you don't need me around

I will be your friend forever

I will be your one big brother

Even when I see you fall I will be your Father

When I hear you call


And lastly, this 10th song is an exception because it not for any of my exes. It is for the first and last man in my life, my dad. This is a father's song to his daughter. 


"When I Hear You Call": A song dedicated
to my dad.
 

Relate ako sa song na ito kasi this was how my dad always encouraged me to reach for my goals, face my battles bravely, and just move forward no matter what. And I have always done so because he was always there for me. And even now that he is up there in heaven, I still feel his presence, backing me up every step of the way. 


O teka mga Nan-sis, bago tayo magkaiyakan at bigla kong na miss ang daddy ko, let me stop right here. 


With this blog, I hope that you will have a deeper appreciation of our OPM songs.  Napakaraming magaganda, sa totoo lang! 


I am indeed a sentimental old fool, hopeless romantic, just a little girl, standing in front of you, waiting to be loved (charot!) Kayo rin ba mga Nan-sis? 


Until then! Catch you later!


Nancy Mommy

Comments

  1. 😍😳😞😢😂❤️

    I’m sure lahat naka-relate. Hahaha! Thanks for sharing. Flashback kaming lahat.😛

    Singing off....
    AYLAVET

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha sabi nga ng isang nag-comment "roller coaster of emotions"! Thanks as always Cawsin! labyu

      Delete

Post a Comment

Popular posts from this blog

"Finding my Purpose: Woman, Warrior, Writer"

2023: Lessons on Faith, Hope, and Love

Becoming "SingleD"