WISH(es) KO LANG: Mga Nais Makamit ng mga SingleD sa 2021
By Nancy D. Galang, M.A.
Happy New Year, mga Nan-sis!
Una sa lahat, allow me to congratulate everyone for surviving the new normal of 2020!
Buhay pa tayo, kumakain araw-araw, nakakahinga nang maluwag (kahit kadalasan ay naka-mask), at kasama ang ating mga mahal sa buhay.
Masaya at excited nating iwan ang 2020! I am sure you agree with me that for most of us, it was not a good year. Yet, we can still be grateful that we are moving forward.
Buhay pa tayo, kumakain araw-araw, nakakahinga nang maluwag (kahit kadalasan ay naka-mask), at kasama ang ating mga mahal sa buhay.
Welcoming 2021 with a nice, big smile! |
And to be able to truly do this, hindi ba maganda na mag-isip at maglista ng ating wishes--mga inaasam-asam na bagay, tao, hayop, lugar, at siyempre ang higit na mahalaga, mga intangibles.
Ano nga ba ang mga karaniwang nasa wish list ng mga singleD?
1. To have a Jowa.
I am very sure na unang-una sa inyong wish list ang maging "doubleD". Ano, mga Nan-sis? Tumpak?Kahit di natin aminin, or mag-inarte tayo at mag-dialogue na "Ang saya kaya maging singleD, di ka kailangan magpaalam, you can decide on things nang walang kino-consult" etc, etc. E, at the end of the day ay miyembro pa rin kayo ng Samahan ng Malalamig ang Pasko! Aminin, iba pa rin may kausap at kayakap sa gabi.
2. To have a jowa na "ganito ganyan".
Pero sabi nila when you wish (or pray) for someone, you have to be specific. Anong qualities ang gusto mong nasa ka-doubleD mo? O kaya sa iyong "Ayuda One?"
(To read more on "Ayuda One" please click: https://nancydavidgalang.blogspot.com/2020/10/when-you-are-not-his-ayuda-one.html?m=1)
Mga Nan-sis, I am sure at the top of your list is to have someone who will truly and sincerely love you. And when you say "love," mabigat 'yan. This can be another entry!
Samahan na natin ng iba pang qualities like: responsible, hardworking, good provider, intelligent and smart, sweet and thoughtful, sensitive (in this case I mean the opposite of insensitive or dense), healthy (kung hunk, bonus na lang 'yun), at higit sa lahat, mabango. 'Yung laging naliligo. Haha.
3. To get married.
Most of us na single or NBSF (No Boyfriend Since Birth) at singleD, still wish to be married. Hindi ba, just like in the movies, the little girl in us still wishes for a fairytale wedding? Aminin. Ok lang 'yan, mga Nan-sis.
Pero in my case, hindi ko na po wish na maikasal pa o masakal pa. Sa ngayon, wish ko ang ma-annul. Kaso napakamahal. (Aba, rhyming ha: maikasal, masakal, ma-annul, napakamahal. Hehe.)
4. Ang maibalik ang alindog.
New look courtesy of Nadja: bangs and highlights. Pictorial session courtesy of Rocky. Wishing to feel more attractive. |
S'yempre, more than these, ang maibalik ang ating mga alindog. Gusto natin magpa-sexy! Bakit, aminin na natin, mga Nan-sis, we want to feel attractive again. Hindi ba gusto natin ganito ang sabihin tungkol sa atin: Iniwan, nasaktan... GUMANDA!
Kaya ako, panay ang exercise ko at workout (noong bago ako magkaapo!). Then there are the different diet programs na sinusubukan natin. Ang pinakauso, yung IF or Intermittent Fasting. IF kaya mo na 'wag kumain nang mahabang oras.
5. To live a long, healthy life.
This should be the main reason why we exercise and workout, dagdag na natin ang eating healthy.
Next reason, I need more time to meet my "Ayuda One." Baka naman. After I became singleD and started to be OK with it, I realized, this is something I can still hope for and look forward to. Wish ko lang. Sana ibigay ni Ms.
Vicky Morales.
And lastly, to enjoy more years doing what I want. In my case, I want to have more of my coffee mornings, build my retirement "kubo" and settle in a farm, travel when I want to, and be with my family and friends more often, less bothered by the usual daily concerns and have more of good, intimate conversations.
Looking forward to waking up to more coffee mornings like this. |
6. To be financially stable, if not blissful.
Kaya kung magwi-wish tayo, doon na tayo sa "to be financially blissful.'" Siyempre, sino ba namang singleD mom ang ayaw na mai-provide sa kanilang mga anak ang the best?
7. To pamper ourselves more.
When you're singleD, medyo challenge ang maibigay ito sa ating mga sarili. Minsan, lack of time, kasi nga madaming nakasalalay sa atin na chores, errands, paghahanap-buhay. Minsan din, lack of budget kasi we want to prioritize more important things to spend for.I wish I can pamper myself, relax more, and have more time for my hobbies. |
Pero, mga Nan-sis, sa tingin ko, isa ito sa mga wish na dapat matupad natin kasi if we are able to pamper ourselves maganda ang effect nito sa ating well-being, therefore we will become better singleD moms (or even dads).
8. To have more time to be productive.
9. To learn to relax more.
Wish ko lang! You know I always find myself starting a Netflix movie say, Sunday mornings, mga 11am, but a two-hour film, nakasalang pa din hanggang 4pm. Hindi na yata ako marunong mag-relax. When I see something to do, pause, stand-up, gawin ang nakita at naalala na gawin, then balik sa Netflix after. Ganun din sa kape ko, laging malamig na bago ko pa maubos!Kaya, mga Nan-sis, sana matuto ako na maging more of relax mode.
10. To see all our kids healthy, happy and OK.
Mahirap maging singleD parent. And so, isa sa mga mahalagang wish natin ay ang makitang OK ang lahat ng mga anak natin. This year, nakita kong maging OK si Nadja from her depression. Nakita kong maging OK si Nastassia, accepting and embracing her new life as a mom, si Rocky, tuloy ang pag-pursue sa kanyang interests and hobbies while having more time at home. And finally si Nix was called back for her job abroad.
But of course, we never stop wishing for more and the best for them. This 2021, I wish that more opportunities will be opened for each of them to realize their goals. And of course mas maging masaya ang 2021 for them. Medyo mahirap din para sa mga bagets ang naging buhay nila nitong taong 2020 dahil halos araw-araw nasa bahay lang. Kaya sana matapos na din ang pandemya.
11. To have peace of mind and heart.
Ito ang isa sa mga wish na hindi nabibili. Maski ano pang yaman mo, kung maraming bumabagabag sa puso at isipan mo, walang magagawa ang pera.
12. To be happy no matter our status is: singleD or doubleD.
Being singleD has brought a lot of sadness to most of us and the longing and desire to be with someone with whom you can grow old with. Pero sometimes, never ending ang longing. Parang, you tell yourself, "Darating pa kaya?"
Kaya isa sa mga wish ko, mawala na ang times na nalulungkot. 'Yung times na naghahanap ka ng makakasama. Instead, maging happy tayo mag-isa. Learn to do more activities kahit mag-isa tayo. Bonus, kapag dumating si Ayuda One.
No matter what, we can be happy alone, with our kids, family, and friends. In short, kung di man ibigay ang wish #1, magtigil ka na at magpakasaya na lang!
Kayo, same din ba ang wishes n'yo for 2021? I'm sure you can add more to your list. Try n'yo, it's a fun exercise that makes you look forward to this coming year!
Until then. Catch you later!
Nancy Mommy
Yay! Just wish for someone who is willing to “just date” and “have fun” with you. DATING na lang ang peg mo. Someone you can call anytime and hang out just to relax. To share your everyday ganap and ganun din siya. Tapos at the end of the day kanya-kanyang uwi. Company lang when you are both lonely and happy rin. And, of course, yun pareho niyo g LOVE each side of the family. Not just LOVE but ENJOY their company as well. Siyempre, kung Wala kayong HAPPY MOMENTS with sa side niya and siya sa side mo, walang LOVE😉
ReplyDeleteRight?🙃
As always Nanz....
AYLAVET