WISH(es) KO LANG: Mga Nais Makamit ng mga SingleD sa 2021

By Nancy D. Galang, M.A.


Happy New Year, mga Nan-sis!

Una sa lahat, allow me to congratulate everyone for surviving the new normal of 2020!

Buhay pa tayo, kumakain araw-araw, nakakahinga nang maluwag (kahit kadalasan ay naka-mask), at kasama ang ating mga mahal sa buhay.

Masaya at excited nating iwan ang 2020! I am sure you agree with me that for most of us, it was not a good year. Yet, we can still be grateful that we are moving forward.

Welcoming 2021 with a nice, big smile!

And to be able to truly do this, hindi ba maganda na mag-isip at maglista ng ating wishes--mga inaasam-asam na bagay, tao, hayop, lugar, at siyempre ang higit na mahalaga, mga intangibles.

Ano nga ba ang mga karaniwang nasa wish list ng mga singleD?

1. To have a Jowa.

I am very sure na unang-una sa inyong wish list ang maging "doubleD". Ano, mga Nan-sis? Tumpak?

Kahit di natin aminin, or mag-inarte tayo at mag-dialogue na "Ang saya kaya maging singleD, di ka kailangan magpaalam, you can decide on things nang walang kino-consult" etc, etc. E, at the end of the day ay miyembro pa rin kayo ng Samahan ng Malalamig ang Pasko! Aminin, iba pa rin may kausap at kayakap sa gabi.

2. To have a jowa na "ganito ganyan".

Pero sabi nila when you wish (or pray) for someone, you have to be specific. Anong qualities ang gusto mong nasa ka-doubleD mo? O kaya sa iyong "Ayuda One?"
In my case, hindi na po kailangan na kaguwapuhan because "been there, bundat" na 'ko sa guwapo, at limang beses pa nga. 

Mga Nan-sis, I am sure at the top of your list is to have someone who will truly and sincerely love you. And when you say "love," mabigat 'yan. This can be another entry!

Samahan na natin ng iba pang qualities like: responsible, hardworking, good provider, intelligent and smart, sweet and thoughtful, sensitive (in this case I mean the opposite of insensitive or dense), healthy (kung hunk, bonus na lang 'yun), at higit sa lahat, mabango. 'Yung laging naliligo. Haha.

Sana naman mga Nan-sis, ipa-experience din ang mga ito sa akin balang araw.

3. To get married.

Most of us na single or NBSF (No Boyfriend Since Birth) at singleD, still wish to be married. Hindi ba, just like in the movies, the little girl in us still wishes for a fairytale wedding? Aminin. Ok lang 'yan, mga Nan-sis.

Pero in my case, hindi ko na po wish na maikasal pa o masakal pa. Sa ngayon, wish ko ang ma-annul. Kaso napakamahal. (Aba, rhyming ha: maikasal, masakal, ma-annul, napakamahal. Hehe.)

4. Ang maibalik ang alindog.

Isa sa mga bagay na una nating naiisipang gawin kapag tayo ay nahiwalay (well at least after the depression stage) ay ang magpaganda nang todo to the max. Andyan 'yung papagupit ka from long hair to short hair. Ewan ko ba, pero gusto natin totally new look. Andyan yung from short hair, papa-hair extension ka. Papaiba ng kulay. Andiyan din ang katakot-takot na routine sa skin care.

New look courtesy of Nadja: bangs and highlights. Pictorial session courtesy of
Rocky. Wishing to feel more attractive.

S'yempre, more than these, ang maibalik ang ating mga alindog. Gusto natin magpa-sexy! Bakit, aminin na natin, mga Nan-sis, we want to feel attractive again. Hindi ba gusto natin ganito ang sabihin tungkol sa atin: Iniwan, nasaktan... GUMANDA!

Kaya ako, panay ang exercise ko at workout (noong bago ako magkaapo!). Then there are the different diet programs na sinusubukan natin. Ang pinakauso, yung IF or Intermittent Fasting. IF kaya mo na 'wag kumain nang mahabang oras.

5. To live a long, healthy life.

This should be the main reason why we exercise and workout, dagdag na natin ang eating healthy.

Why do we want to live a long life especially when we are singleD? In my case, it is because iniisip ko ang G Skwad ko at dahil mag-isa ako, ang feeling ko, when something happens to me, sino na ang titingin at gagabay sa kanila to make sure that they are okay and will eventually get settled?

Being healthy means being with the G Skwad
for a longer period of time.

Next reason, I need more time to meet my "Ayuda One." Baka naman. After I became singleD and started to be OK with it, I realized, this is something I can still hope for and look forward to. Wish ko lang. Sana ibigay ni Ms.
Vicky Morales.

And lastly, to enjoy more years doing what I want. In my case, I want to have more of my coffee mornings, build my retirement "kubo" and settle in a farm, travel when I want to, and be with my family and friends more often, less bothered by the usual daily concerns and have more of good, intimate conversations.

Looking forward to waking up to more 
coffee mornings like this.

6. To be financially stable, if not blissful.

Mga Nan-sis, common factor ng karamihan sa ating mga singleD at naiwang mag-isa sa gastusin, ang medyo maging financially challenged. Karamihan sa atin, sakto lang ang suweldo sa mga gastusin. Kapag natanggap ang 13th month pay, hindi naman natin naipangsa-shopping, kundi pambayad din sa mga loans and bills.

Kaya kung magwi-wish tayo, doon na tayo sa "to be financially blissful.'"  Siyempre, sino ba namang singleD mom ang ayaw na mai-provide sa kanilang mga anak ang the best?

7. To pamper ourselves more.

When you're singleD, medyo challenge ang maibigay ito sa ating mga sarili. Minsan, lack of time, kasi nga madaming nakasalalay sa atin na chores, errands, paghahanap-buhay. Minsan din, lack of budget kasi we want to prioritize more important things to spend for.


I wish I can pamper myself, relax more,
and have more time for my hobbies.


Pero, mga Nan-sis, sa tingin ko, isa ito sa mga wish na dapat matupad natin kasi if we are able to pamper ourselves maganda ang effect nito sa ating well-being, therefore we will become better singleD moms (or even dads).

8. To have more time to be productive.

Sa mga singleD, karaniwang kulang ang isang buong araw para magawa mo ang lahat ng plano mo at dapat gawin. It's hard to squeeze in time for ourselves. We want to pursue more of our hobbies, but usually walang oras. Alam n'yo ba, mga Nan-sis, I normally write my blogs at night between 10pm-12am? Minsan 12am-2am. This one, I started at 3am. So I wish I had more time to do so during the day. It would be the best if we can have more time to be more productive and do more things other than the usual everyday routine of chores, errands and work.

9. To learn to relax more.

Wish ko lang! You know I always find myself starting a Netflix movie say, Sunday mornings, mga 11am, but a two-hour film, nakasalang pa din hanggang 4pm. Hindi na yata ako marunong mag-relax. When I see something to do, pause, stand-up, gawin ang nakita at naalala na gawin, then balik sa Netflix after. Ganun din sa kape ko, laging malamig na bago ko pa maubos!

Kaya, mga Nan-sis, sana matuto ako na maging more of relax mode.

10. To see all our kids healthy, happy and OK.

Mahirap maging singleD parent. And so, isa sa mga mahalagang wish natin ay ang makitang OK ang lahat ng mga anak natin. This year, nakita kong maging OK si Nadja from her depression. Nakita kong maging OK si Nastassia, accepting and embracing her new life as a mom, si Rocky, tuloy ang pag-pursue sa kanyang interests and hobbies while having more time at home. And finally si Nix was called back for her job abroad.

Nadja being OK this past year is a wish
come true (an answered prayer!)

But of course, we never stop wishing for more and the best for them. This 2021, I wish that more opportunities will be opened for each of them to realize their goals. And of course mas maging masaya ang 2021 for them. Medyo mahirap din para sa mga bagets ang naging buhay nila nitong taong 2020 dahil halos araw-araw nasa bahay lang. Kaya sana matapos na din ang pandemya. 

Nix is back to work this 2021 
and I am very happy!

11. To have peace of mind and heart.

Ito ang isa sa mga wish na hindi nabibili. Maski ano pang yaman mo, kung maraming bumabagabag sa puso at isipan mo, walang magagawa ang pera.

We always say, peace of mind, pero dapat pati peace of heart. Don't we wish for ourselves na maging malinis ang puso at isipan natin? 'Yung sana "walang masamang tinapay" maski sino maisip mo or makaharap mo. 'Yung sense of satisfaction and contentment, maski ano ang mayroon ka. This will also give us peace, di ba, mga Nan-sis?

12. To be happy no matter our status is: singleD or doubleD.

Being singleD has brought a lot of sadness to most of us and the longing and desire to be with someone with whom you can grow old with. Pero sometimes, never ending ang longing. Parang, you tell yourself, "Darating pa kaya?"

Another wish is to long no more for a partner and just be happy with family and friends.

Kaya isa sa mga wish ko, mawala na ang times na nalulungkot. 'Yung times na naghahanap ka ng makakasama. Instead, maging happy tayo mag-isa. Learn to do more activities kahit mag-isa tayo. Bonus, kapag dumating si Ayuda One.

I wish to have more quality time with my G Skwad this 2021. 

No matter what, we can be happy alone, with our kids, family, and friends. In short, kung di man ibigay ang wish #1, magtigil ka na at magpakasaya na lang!

Kayo, same din ba ang wishes n'yo for 2021? I'm sure you can add more to your list. Try n'yo, it's a fun exercise that makes you look forward to this coming year!

Until then. Catch you later!

Nancy Mommy












Comments

  1. Yay! Just wish for someone who is willing to “just date” and “have fun” with you. DATING na lang ang peg mo. Someone you can call anytime and hang out just to relax. To share your everyday ganap and ganun din siya. Tapos at the end of the day kanya-kanyang uwi. Company lang when you are both lonely and happy rin. And, of course, yun pareho niyo g LOVE each side of the family. Not just LOVE but ENJOY their company as well. Siyempre, kung Wala kayong HAPPY MOMENTS with sa side niya and siya sa side mo, walang LOVE😉

    Right?🙃

    As always Nanz....
    AYLAVET

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

"Finding my Purpose: Woman, Warrior, Writer"

Nancy Mommy ay Nagmahal

Becoming "SingleD"